PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sinapit ng magkapatid na natagpuang palutang-lutang sa ilog sa lalawigan ng Masbate.
Nagulat na lamang ang mga residente sa Bgy. Bañadero, bayan ng Mobo nang makita ang katawan ng dalawang bangkay ng batang babae sa nasabing ilog.
Bagama’t wala pang umaako sa katawan ng mga biktima, pinaniniwalaang nasa edad 6 at 7-anyos ang mga ito.
Agad naman na dinala ang mga bangkay sa Mobo Municipal Health Office upang isailalim sa post mortem examination.
Samantala, nakikipag-unayan na rin ang nga awtoridad sa mga katabing bayan para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga biktima. Marjorie Dacoro