BAGUIO CITY – Mahigit 2,800 na used foreign garments (ukay-ukay) na umaabot sa P22-million ang nakumpiska sa nasabing lungsod kahapon, September 3, makaraang maiulat na smuggled ito.
Sinabi ni San Fernando, La Union Bureau of Customs (BoC) district collector Bonifacio de Castro, ang mga ukay-ukay bundles, karamihan ay branded apparel na nanggaling sa U.S. at Canada, ay nagmula sa siyam na magkakaibang warehouse sa Baguio City.
Ayon kay De Castro, ang mga nasabing items ay nakapasok sa Subic at Clark Freeport zone, kasama na ang Cavite Export Processing Zone sa Rosario.
“Certain locators inside economic zones use their privilege to import raw materials tax-free to smuggle used clothing in the guise of scrap fabric,” ani De Castro.
Naghahanda na ng kaso ang BoC laban sa importers at traders para sa paglabag Republic Act 4653 o batas na nagbabawal sag a commercial importation ng textile article o used clothing at rags.
Ang ukay-ukay stores ay kalat na sa buong bansa mula pa noong 1966.
“We need to ensure that legitimate stakeholders in the local garments industry are protected from unscrupulous and illegal importations of clothing,” ani De Castro.
Noong nakaraang buwan, isang BoC employee ang inaresto makaraang magpuslit para sa release ng container vans na “used clothes” galing Hong Kong at U.S. na may kabayarang P1-million bilang suhol nito. Allan Bergonia