NASAGIP ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NB-AHTRAD) ang 15 babae na nais magtrabaho sa abroad sa isinagawang pagsalakay sa Paco, Maynila.
Ang pagsalakay ng NBI ay matapos makumpirma na walang lisensya ang isang manpaower agency na kumukupkop sa kanila sa naturang lugar.
Hindi muna pinangalanan ang mga biktima na nakuha sa isang dormitoryo sa tapat ng tanggapan ng TUEM International Management Corporation na nasa no. 1332 Leon Guinto St., Paco, Maynila, na nasa likod lamang ng Philippine Women’s University (PWU).
Kinumpirma ng NBI na paso na ang franchise ng manpower recruitment agency kaya iligal na ang ginawang pagre-recruit sa mga kababaihan.
Kasamang binitbit ng NBI ang dalawang nagmamantine sa dormitoryo ng nasabing recruitment agency.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Human Trafficking Act laban sa may-ari ng ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden