Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Away bata: Ama pinagsasaksak ng isang ama

$
0
0

PATAY ang isang lalaki matapos tadtarin ng saksak ng ama ng bata na nakaaway ng kanyang anak sa paaralan sa Nueva Valencia, Guimaras.

Ang biktimang si Niel Dela Paz, asawa ng elementary teacher sa lugar, ay nagtamo ng 17 saksak sa dibdib, likod at tiyan.

Ayon kay Police S/Insp. Primitivo Gallego, hepe ng Nueva Valencia PNP, lumabas sa kanilang imbestigasyon na away ng mga anak ng biktima at suspek na si Cyrus Bustamante, 39, ang ugat ng krimen.

Sinuntok umano ng anak ng biktima ang anak ng suspek dahilan ng pagkasugat sa ilong nito.

Nang makita ng suspek ang biktima habang sakay ng motorsiklo ay agad niya itong binaba saka tinadtad ng saksak.

Mabilis tumakas ang suspek subalit kaagad ring nahuli nang nagkataong napadaan sa checkpoint at nakita ng mga pulis na may bitbit na kutilsyong puno ng dugo.

Inamin naman ng suspek ang nagawang krimen at nasampahan na rin ito ng kaso. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>