Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lolo, natagpuang patay sa ulingan

$
0
0

PATAY na nang madiskubre ang isang lolo sa isang ulingan sa Barangay San Nicolas, Iriga City.

Ang biktima ay kinilalang si Pedro Sumalde, 88.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nakita umano ang biktima na wala ng buhay habang nakahiga sa pagawaan ng uling na pagmamay-ari ni Dyesebel Cornelio-Baal, 40.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima ang mga otoridad subalit ipapasailalim pa rin ito sa awtopsiya para malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>