Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bahay, sunog sa paglalaro ng isang bata

$
0
0

TINUPOK ng apoy ang isang bahay sa Barangay San Isidro, Magarao, Camarines Sur.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Joelan Aven.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa higaan ni Aven.

Naiwan umano ang batang anak ni Aven sa kwarto na pinaniniwalaang sanhi ng sunog dahil sa paglalaro nito.

Agad naman na naapula ang sunog kung kaya P9,000 lamang ang halaga ng naiwang pinsala nito.

Laking pasasalamat naman ni Aven dahil walang nasaktan sa pangyayari. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129