KULUNGAN ang kinahantungan ngayon ng isang anak makaraan mapatay sa saksak ang kanyang ama sa Malungon Sarangani.
Kasong parricide ang isinampa sa suspek na kinilalang si Joselito Janon, 27, may asawa, ng nasabing lugar na nakakulong ngayon sa Malungon Municipal Police Station.
Nabatid na napatay ng naturang suspek ang kanyang ama na kinilalang si Lino Janon, 48, matapos siyang sitahin at barilin dahil sa paglalasing ng anak.
Naghabulan pa umano ang dalawa at hindi naman inakala ng biktima na may dalang kutsilyo ang anak na agad itinarak sa dibdib at kili-kili niya.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Napag-alamang madalas bugbugin ang suspek ng kanyang ama, lalo na kapag lasing ito kaya’t hindi na niya ito natiis at kanyang nagawa ang nasabing krimen. Johnny Arasga