Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bus dumayb sa bangin, 3 tigbak, higit 40 sugatan

$
0
0

PATAY ang dalawang lalaki nang aksidenteng mahulog ang sinasakyang bus sa bahagi ng zigzag road ng Bry. Silangang Malikboy, Pagbilao, Quezon.

Nakilala ang mga nasawing mag-ama na sina Nestor Vendivel, Sr., 62, at Nestor Jr., 18, at isang Renan Descatamento, 34.

Una rito, bandang 3:15am kanina, Setyembre 7, nang maganap ang malagim na aksidente na kinasangkutan ng Raymond Bus.

Ayon kay P/C/Insp. John Von Noyda, Hepe ng Pagbilao PNP, galing umano ng Masbate ang bus patungong Maynila ng mawalan ng preno at dumiretso sa bangin na may lalim na 100 ft.

Mabilis naman rumesponde ang mga residente at nagtulong-tulong na madala sa ospital ang 43 nasugatan kabilang ang driver at konduktor.

Nasa mabuting kalagayan ang karamihang nagtamo lamang ng minor injuries, habang pinaghahanap pa ang mga bata nasa loob ng bus. Johnny Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>