PATAY ang isang pasahero habang may 16 pa ang sugatan nang mahulog ang isang van sa bangin sa Calot, Banangan, Sablan, Benguet.
Ayon kay SPO4 Domingo Carame, mula sa Benguet Provincial Police Office, patungo ang isang Hi-Ace van sa Baguio City nang mahulog ito sa may 40 metrong lalim na bangin.
Ani Carame, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga pasahero at patuloy pa rin ang imbestigasyon nila sa dahilan ng insidente.
Napag-alamang dead-on-arrival ang isang ‘di pa kilalang pasahero.
Sa ngayon ay nadala na lahat ng sugatang pasahero sa pinakamalapit na ospital. Marjorie Dacoro