NASAMSAM ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P5-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa isang mall sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay Richard Tiñong, hepe ng Plans and Operations ng PDEA-National Capital Region (NCR), nasa isang kilo at 50 gramo ng shabu ang nakuha sa dalawang suspek na kinilalang sina Benigno Mendoza at Jaylord Torero.
Ang buy-bust operation ay isinagawa sa loob mismo ng Ali Mall sa Cubao at isa sa mga ahente ng PDEA ang nagpanggap na buyer ng droga. Johnny Arasga