Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Reward money sa mga pulis sa EDSA hulidap, inilaan

$
0
0

NAGLAAN na ng reward money ang pamahalaan para sa agarang pagdakip sa mga pulis na itinuturong nasangkot sa naganap na EDSA hulidap kidnapping.

Inaprubahan ng Malakanyang ang panukala ni DILG Secretay Mar Roxas na taasan pa ang reward sa sinomang makapagtuturo sa mga pulis na wanted sa batas dahil sa kinasasangkutang mga krimen.

Ginawa ni Roxas ang panukala sa harap na rin ng iba’t ibang krimen na pawang mga alagad ng batas ang itinuturong nasa likod nito.

Dismayado si Roxas sa pinakahuling kaso ng pagkakadawit ng ilang pulis Quezon City sa kaso ng panunutok ng baril at pangingidnap sa dalawang sakay ng isang SUV sa kahabaan ng EDSA, Mandaluyongg City nitong September 1.

Giit ng kalihim, ang mga pulis na sana’y dapat na protektor ng publiko laban sa krimen ay siya pang nagsisilbing kawatan at salot sa lipunan.

Sa ngayon nasa anim pang mga pulis ang pinaghahanap ng mga awtoridad na sangkot sa kidnapping.

Kabilang sa pinakahuling insidente ng krimen na kinasasangkutan ng pulis ay ang kaso ng pagpaslang sa car race champion na si Enzo Pastor at sa Quezon City police na si Chief Inspector Medrano.

Samantala, hinikayat naman ni NCRPO chief Police Director Carmelo Valmoria ang publiko na agad ipaalam sa pulisya kung may impormasyon sila sa mga wanted na pulis.

Sinabi ni Valmoria na pwede umanong kontakin ang PNP hotline number na 6410877 o 09065457238 para sa anomang impormasyon sa mga pulis na pinaghahanap ng batas.

Nagpasalamat din si Valmoria sa publiko at sa taong nag-upload ng picture at video hinggil sa insidenteng hulidap sa EDSA. Johnny Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>