Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: 2 tulak, tiklo sa buy-bust ops sa Cubao mall

$
0
0

MATAPOS mabuko ng awtoridad ang talamak na bentahan ng droga sa loob mismo ng mga  shopping mall sa Metro Manila, nalaglag sa isang buy-bust operation ang dalawang kilabot na drug pushers sa loob ng Ali mall sa Cubao, Quezon City nitong Lunes ng hapon, Setyembre 8.

Sinabi ni Richard Tinong, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Plans and Operation chief, na nakakumpiska ang kanyang mga tauhan ng mahigit sa 1 kilo at 50 gramo ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na nagkakahalaga ng P5-milyon sa mga suspek na sina Benigno Mendoza at Jaylord Torero.

Sa ulat, naganap ang buy-bust operation dakong 4:25 ng hapon sa may fastfood chain na nasa ground floor ng Ali mall shopping sa Cubao, Q.C.

Ayon kay Tinong, bago ang pagtimbog ay may ilang linggo rin nilang hinanapan ng konekyon para makapagtransaksyon sa mga suspek.

Sinuwerte naman ang kanilang pagtitiyaga dahil nakapag-transact aniya kina Mendoza at Torero ang isa sa kanyang tauhan na nagpanggap na poseur buyer.

Ikinasa ang bilihan sa fastfood chain ng nasabing mall at nang maiabot na ang marked money ay agad dinamba ang mga suspek.

Nito namang nakaraang Setyembre 3 lamang, natimbog din ang mga drug pushers na sina Arnel Elbo 42, at Binsar Salem, 30, sa isa ring PDEA buy-bust operation sa isang mall naman sa Sta. Cruz, Laguna.

Nakumspikahan ang dalawa ng 50 gramo ng shabu na may halagang P150,000. Robert Ticzon/photo by: Ivan Gaddia


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>