DEAD-ON-THE-SPOT ang pitong pasahero kasama na ang driver habang apat ang dead-on-arrival na lulan ng isang Private Ford Fiera na nahulog sa bangin sa bayan ng Bangbangay-yen, Buguias, Benguet kahapon alas-4:40 p.m.
Nakilala ang driver na si Mr. Efren Dalisdis.
Ayon kay Buguias Chief Inspector Fernando Botangen, ginagamot pa rin sa ospital ang apat na pasahero na nagtamo ng sugat sa katawan.
Aniya, karamihan sa mga biktima ay estudyante ng Poblacion National High School sa Buguias na papunta sanang Barangay Amlimay, Buguias, Benguet.
Sa kanilang imbestigasyon, binabagtas ng naturang sasakyan (ABF-436) ang kalsada sa naturang lugar nang pumara ang tatlong pasahero upang lumabas.
Nabatid na huminto ang sasakyan ngunit bigla itong dumausdos paatras hanggang sa mahulog sa bangin na tinatayang may lalim na 100 metro. Marjorie Dacoro