Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Amain tigok sa anak-anakan

$
0
0

NAMATAY habang ginagamot sa Gov. Roque Ablan, Sr. Memorial Hospital sa Laoag ang isang ama matapos saksakin ng kanyang anak-anakan sa Bgy. 24, San Roque, Sarrat, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktimang si Marlon Sibayan, 42, may asawa samantalang ang suspek ay si Jareld Rasay, 24, may asawa at kapwa residente sa naturang barangay.

Nag-ugat ang insidente matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang suspek hinggil sa kanilang pamilya habang nag-iinuman hanggang sa bumunot ng patalim si Rasay at sinaksak ang amain.

Ngunit bago nalagutan ng hininga ang biktima sa ospital ay nasabi pa niya na ang sumaksak sa kanya ay ang kanyang anak-anakan na si Rasay.

Saksak sa kanang bahagi ng katawan ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Agad namang sumuko sa PNP Sarrat ang suspek. Johnny Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>