SA pagamutan ang bagsak ng isang 17-anyos na mister makaraang saksakin ng kanyang maybahay habang nasa unang gabi ng kanilang honeymoon sa isang hotel sa lungsod ng Cotabato.
Napag-alaman na ikinasal ang dalawa ayon sa parental arrangement, o dahil sa kagustuhan ng kani-kanilang magulang.
Matapos ang kasal, nag-check-in ‘di umano ang dalawa sa isang hotel sa lungsod ngunit sa hindi malamang dahilan ay nauwi sa pananaksak ng ang sana’y masayang honeymoon.
Saksak sa tiyan ang tinamo ng biktima na nagpapagaling pa sa pagamutan, habang sasampahan nito ng kaso ang misis na suspek.
Napag-alaman na sa Muslim rites, pwedeng ikasal ang mga menor-de-edad na ipinagkasundo ng kani-kanilang mga magulang. Marjorie Dacoro