Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: Patay sa Benguet ravine passenger van accident, 13 na

$
0
0

UMAKYAT na sa 13 ang nalagas sa pagkahulog ng isang van sa Benguet ravine nitong Martes ng hapon.

Dakong 2:30 kaninang madaling-araw, Setyembre 10, nang malagutan ng hininga ang biktimang si Charee Bestre, 15, kabilang sa mga iniulat na nasugatang pasahero sa nasabing aksidente.

Habang dead-on-the-spot at dead-on-arrival sa pagamutan sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang mga naunang biktima na sina Angie Aquien, 15; Jera Madiano, 15; Jira Flair Mayao, 15; Maricel Basatan, 13; Sherbeth Simeon 12; Jasmine Lestino, 15; Minerva Menzi, 16; Johnray Dalisdis, 16; Maryfaith Lamsis; Mheljoy Agustin, 15; at isang Bestre at Yvone na kapwa 13-anyos.

Patay din sa naturang aksidente ang driver ng Ford Fiera (ABF 436) na si Efren Dalisdis.

Nanatili naman at ginagamot sa ospital sina Elejoy Agyapas, 17; Jamerose Bankin, 15;  RheyShan Latuwed, 18, at si  Bestre, na namatay kaninang madaling-araw lamang.

Sinabi ni Buguias police chief na si C/Insp. Fernando Botangen, karamihan sa mga biktima ay estudyante ng Poblacion National High School sa Buguias na papunta sana sa Barangay Amlimay, Buguias, Benguet.

Sa ulat naganap ang insidente dakong 5 ng hapon sa isang bangin sa Bangbangay-yen Buguias, Benguet.

Lumabas sa imbestigasyon na paakyat ang naturang sasakyan sa kalsada nang biglang pumara ang tatlo sa mga pasahero upang bumaba.

Huminto naman si Dalisdis pero minalas na biglang namatayan ng makina kaya biglang itong dumausdos hanggang sa tuloy-tuloy na mahulog sa bangin na tinatayang may lalim na 100 metro. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>