Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Snatcher dakip sa patalim at shabu

$
0
0

NADAKIP ng mga pulis ang sinasabing batikan na snatcher matapos ang operasyon sa sementeryong pinagkukutaan ng una sa Caloocan City, Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Jayson Herrera, 21, ng Bisig ng Nayon ng lungsod.

Nabatid na alas-5 ng hapon nang nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa mga kriminal na nagkukuta sa Sangandaan Cemetery sa Sangandaan ng lungsod.

Nang mamataan ng suspek ang mga pulis ay agad itong nagtatakbo subalit nahabol at nadakip pa rin siya ng mga pulis.

Nakuha sa suspek ang patalim at isang sachet ng shabu dahilan upang idiretso sa selda ang una na sinasabing batikang snatcher sa nasabing lugar. Rene Manahan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>