Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kapulisan, pinapa-lifestyle check

$
0
0

IPINAPA-LIFESTYLE ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Richard Albano ang lahat ng kanyang mga miyembro para malaman kung sino ang lumilinya sa masamang gawain.

Kasunod ito ng pagkakasangkot ng mahigit walong pulis-La Loma sa EDSA hulidap kung saan mahigit P2M ang nakotong mula sa dalawang negosyanteng taga-Mindanao.

Ayon kay Albano, ang pagsailalim sa lifestyle check ay upang mabatid kung papaano namumuhay ang QCPD personnels batay na rin sa kanilang kinikita o buwanang sahod.

Sa kabilang dako, nakipag-ugnayan na ngayon ang tatlo pang pulis-La Loma na sangkot sa EDSA hulidap para sumuko.

Tumanggi munang pangalanan ng QCPD kung sino ang tatlong pulis na nagpadala ng surrender feeler.

Sinabi ni QCPD spokesperson C/Insp. Maricar Taqueban, umaasa sila na susuko na rin lahat ang mga sangkot sa EDSA hulidap kidnapping anomang araw ngayong linggo.

Samantala, naninindigan si S/Insp. Alan Emlano, pulis-Caloocan, na inosente siya at hindi siya kasama sa nangyaring insidente.

Sa pahayag ni PO2 Jonathan Rodriguez, si Emlano umano ang nagmamaneho ng isang puting van.

Si Emlano at ang 11 iba pa ay kinasuhan na ng robbery at kidnapping with serious illegal detention.

Kaninang madaling-araw sumuko si Emlano kay QCPD director Richard Albano at mariing itinanggi ang kanyang partisipasyon sa krimen.

Subalit inamin nito na nabanggit ng kanyang mistah na si C/Insp. Joseph De Vera na mayroon silang ikinakasang anti-illegal drug operation.

Giit nito, nag-awol siya kaya imposibleng masangkot siya sa krimen.

Una ng kinuwestyon ni Emlano ang timing ng pagkakasangkot sa kanya at naniniwala ito na hinabol lamang ang kanyang pangalan dahil kaklase niya ang tatlong police officers sa PNPA Class of 2001. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>