Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Police asset binoga sa ulo, tigbak

$
0
0

TAMA ng bala sa ulo ang ikinamatay ng isang 36- anyos na umano’y police asset sa Tondo, Maynila kagabi.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Alicia Sentileses, ng Road 10, Pier 18, Vitas, Tondo sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na armado ng ‘di nabatid na baril at tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa dagat na sakop ng Katuparan Village, Vitas, Tondo, Maynila.

Sa imbestigayson, may hinihintay ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing pinaputukan siya sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

Ang katawan ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral homes para sa safekeeping at awtopsiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129