Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Biktima pa ni De Vera sa hulidap, lumantad sa PNP

$
0
0

LUMANTAD na ang isa na namang biktima ng extortion laban sa mga pulis-La Loma sa Quezon City.

Kinilala ng biktima ang suspek na si C/Insp. Joseph de Vera na leader sa nasabing krimen.

Ayon sa hindi nagpakilalang negosyante, ilang buwan na ang nakakaraan, sinundo umano siya ni De Vera kasama ang dalawang police officers sa kanyang bahay at inimbitahang sumama sa police station.

Sinabi umano ng mga pulis na inirereklamo siya kaugnay na iligal na droga at nang tumanggi ang biktima ay binalaan siya ng mga pulis.

Dahil dito, napilitang sumama ang biktima sa presinto at nang makarating ang mga ito sa loob ay inilagay sa harap ng biktima ang bag na puno ng shabu na sinasabing pagmamay-ari niya.

Matapos ito ay hinihingian siya ng P200,000 para sa kanyang kalayaan.

Napilitan na lamang umano itong magbayad para hindi siya makulong kahit ilang pilit niyang iginiit sa mga pulis na hindi sa kanya ang nasabing shabu.

Hindi na rin nagsampa ang biktima ng kaso kontra kay De Vera na dating deputy chief ng Laloma Police station dahil sa takot.

Ngayon lamang umano itong naglakas-loob para matigil na ang katiwalian ng mga pulis. JOHNNY ARASGA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>