DAHIL sa matinding selos, napatay ang isang 48-anyos na ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang mister sa Barangay Osmeña, Dangcagan, Bukidnon.
Kinilala ang biktima na si Lolita Paler, asawa ng suspek na si Teburcio, 52, na nagtamo ng mga taga sa ulo at dibdib.
Matapos ang pamamaslang, tinapos na rin ni Teburcio ang kanyang buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Dangcagan Police, selos ang dahilan ng karumal-dumal na krimen.
Ikinagalit umano ni Teburcio ang pagtatrabaho ni Lolita sa Cagayan De Oro habang siya’y nasa bukirin lamang.
Dahil sa nangyari ay maagang naulila ang kanilang anim na anak, na nakatakdang ipaubaya sa DSWD. JOHNNY ARASGA