Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

16 sex workers sa Cebu, arestado sa panloloko ng foreigners

$
0
0

NASAKOTE ang tinatayang 15 babae at isang bading na mga commercial sex workers umano sa isinagawang operasyon ng City Intelligence Branch (CIB) ng Cebu City Police Office (CCPO) sa Juana Osmeña at Mango Avenue, Cebu.

Ang pakakaaresto sa mga suspek ay dahil sa reklamo ng mga foreigners sa lugar kaugnay sa naturang mga sex workers na nambibiktima raw sa kanila.

Ayon sa mga negosyanteng nagreklamo, nagiging “cheap” na ang kanilang lugar dahil sa presensya ng mga ganitong babae na mag-aantay ng kanilang mga kustomer kabilang na ang mga dayuhan na kadalasa’y ninanakawan nila.

Inihayag ni CIB head Supt. Romeo Santander na binabayaran ang mga sex workers sa halagang P1,500 – P2,500 na kadalasang pini-pick-up lang ng taxi at dadalhin sa isang motel.

Lumipat daw ang mga sex workers na ito sa naturang lugar matapos masira ang mga lungga nito sa squatters area na dati nilang tinatambayan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Gender Awareness and Development of Barangay Kamputhaw ang mga nahuling sex workers. JOHNNY ARASGA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>