LINGAYEN, PANGASINAN – Arestado ang isang lolo matapos gahasahin ang tatlong magkakapatid na menor-de-edad sa Lingayen sa nasabing lalawigan.
Kinilala ng Lingayen police ang suspek na si Pablo Peralta, 69, kapitbahay ng mga biktima.
Sa ulat, unang hinalay ni Peralta ay ang walong-taong-gulang na bata noong Sabado, September 5, kasunod ang pitong-taong-gulang noong Lunes, September 8, at ang tatlong-taong-gulang kahapon, September 10.
Ayon sa pulisya, umalis ang ama ng mga biktima papuntang Maynila noong Biyernes, September 4, at ang suspect na nahabilinang magbantay sa mga biktima.
Sinamantala na ng suspek ang pagkakataon at isa-isa niyang hinalay ang mga bata at binantaang papatayin sila kapag nagsumbong sila.
Nang dumating ang ama ng mga biktima ay agad nagsumbong ang walong-taon na biktima sa panghahalay sa kanila ni Peralta.
Agad namang idinulog ng ama ng mga biktima sa pulisya ang ginawa ng suspek dahil para arestuhin at sampahan ng kaso.
Nakakulong na ang suspek sa Lingayen police office at kasong three-counts of rape ang isinampa sa kanya. ALLAN BERGONIA