Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: 4 pulis, nagpadala ng surrender feeler sa kasong extortion

$
0
0

NAGPADALA na umano ng surrender feeler ang apat na pulis na isinasangkot sa robbery extortion sa isang Koreano.

Ngayong araw, Huwebes, ay inaasahang lulutang sina SPO1 Randy Marlon Lebrilla; PO2 Erickson Villar; PO2 Xerxes Batuyan; at PO1 Andrew Garcia, pawang nakatalaga sa MPD Mobile Patrol Unit.

Inireklamo sila ng biktimang si Cho Yongwoo, matapos umano siyang kikilan ng P100,000 kapalit ng kanyang kalayaan kaugnay sa panggugulo nito Suk Chun restaurant, sa Salas St., sa Ermita, Manila.

Ang nasabing halaga ay naibaba sa P30,000 na tinanggap rin ng mga pulis.

Gayunman, naituloy pa rin ang kasong laban kay Cho at dumaan sa Inquest Proceedings sa Manila Prosecutors Office.

Dahil dito, kinasuhan ni Cho ang mga pulis ng robbery extortion. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>