DAHIL sa nabuwal na kandila, 30 pamilya ang nawalan ng matutuluyan nang lamunin ng apoy ang kanilang kabahayan sa Quezon City kaninang madaling-araw, Setyembre 11.
Sa kabutihang-palad, wala namang nasaktan sa sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 5:20 a.m. sa isang bahay sa 5th Avenue sa Barangay Socorro, QC at naapula namang dakong 6:20 ng umaga.
Isinisisi naman ng mga naapektuhang residente ang isang kapitbahay na gumagamit ng kandila dahil naputulan ng kuryente.
Umabot naman ang danyos ng sunog sa P250,000. ROBERT TICZON