Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tulay sinuwag ng bus, 10 sugatan

$
0
0

MAHIGIT 10 katao ang nasugatan nang suwagin ng isang pamapasaherong bus ang approach slab ng Malitbog Bridge sa bayan ng Dagohoy sa Bohol, kaninang 6 ng umaga, Setyembre 11.

Sinabi ni Inspector Andy Corpus, Dagohoy police chief, lulan ang mga biktima sa Southern Star Bus mula sa bayan Talibon at patungo sana sa Lungsod ng Tagbilaran nang maganap ang aksidente.

Lumalabas aniya na binilisan ng bus driver na si Roberto Saga ang pagpapatakbo para mag-overtake sa isang bus bago pumasok sa nasabing tulay.

Bumangga muna ang bus sa approach slab, bago tuluyang nahulog sa gilid nito.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente habang dinala na sa iba’t ibang ospital ang mga sugatang pasahero. ROBERT TICZON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>