NASA kustodiya na ngayon ng Malolos Police Station ang dalawang tauhan nito na idinadawit sa pagdukot sa isang Chinese sa Caloocan nitong Lunes.
Ayon kay PS/Supt. Ariel Arsinas, hepe ng Caloocan Police, nakipag-ugnayan na sa kanila ang Malolos Police para sa turnover ng mga suspek na sina PO3 Danilo Sytamco, Jr. at PO2 Xerces Martin.
Patungong Malabon at sasakay sa LRT Monumento Station sa Caloocan ang biktimang si Li Han Zhang, 43, nang dukutin umano ng mga pulis.
Dinala sa Bulacan ang biktima subalit nakatakas matapos makatulog ng mga kidnapper na humihingi ng P3-milyong ransom.
Handa nang sumuko ang dalawang pulis na suspek sa pagdukot sa isang Chinese sa Caloocan.
Ayon kay PS/Supt. Ariel Arsinas, hepe ng Caloocan Police, unang nagbigay ng surrender feeler ang mga pulis. JOHNNY ARASGA