Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pamilya ni PO2 Angel, nagpasaklolo sa NBI

$
0
0

LUMAPIT na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kapamilya ng umano’y gunman sa pagpatay kay Enzo Pastor na si PO2 Edgar Angel.

Ayon sa mga kapamilya ni Angel, sinaktan umano ito ng mga pulis kaya napilitang umamin sa krimen.

Maalala na si Angel ang unang umamin na siya ang binayaran ni De guzman upang patayin si Enzo subalit bigla itong bumaliktad sa pagsasabing ginawa lamang siyang “fall guy”.

Sa kabila nito, malakas pa rin ang paniniwala ng pamilya Pastor na ang mga inaakusahang sina De Guzman, misis ni Enzo na si Dahlia at PO2 Angel ang may gawa ng krimen dahil sa mga ebidensya at testimonya ng mga testigong hawak nila. JOHNNY ARASGA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>