Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P1.8M halaga ng shabu, nakumpiska sa bebot na tulak

$
0
0

AABOT sa P1.8-milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos madakip ang isang babae sa bisa ng search warrant sa Maguindanao nitong nakalipas na Setyembre 9, Martes.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na si Aisa Pudong Mamasaingad, alyas Aisa Mama Pudong/Mely Abad, 40, may-asawa, sari-sari store owner, ng National Highway, Upper Capiton, Magelco Area, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa PDEA, dakong 6:30 ng umaga nagpatupad ng search warrant operation ang mga operatiba ng PDEA Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) laban kay Mamasaingad sa loob ng bahay na nagresulta sa pagdakip ng suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong piraso ng maliit na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may timbang na 200 grams, isang digital weighing scale at ilang piraso ng plastic sachets.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 o Possession of Dangerous Drugs, at Section 12 o Possession of Equipment and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs, Article II of Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. SANTI CELARIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>