DAGUPAN CITY – Bigo umano ang pamunuan ng Dagupan City Philippine National Police (PNP) sa pagsugpo ng iligal na droga at kumakalat na prostitution sa nasabing lungsod.
Ito ay matapos aminin ni Dagupan City chief of police Christopher Abrahano na karamihan sa mga motel lalo na sa tabi ng dagat ng Tondaligan ang ginagamit na sex den at transaksyon ng droga.
Sinabi ni Abrahano sa naturang lugar ay maaaring mag-check-in ang isang lalaki at pwede itong omorder ng babae at droga na gagamitin nito bago makipagtalik.
Dagdag pa ng nasabing hepe ng local na police na dahil sa hindi lantaran ang ganitong klase ng negosyo ay nahihirapan silang huliin ang mga sangkot dito.
Sa record ng local Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na karamihan umano sa mga nahuhuli na nagbebenta ng iligal na droga sa Dagupan City ay mga menor de edad at sila ay ginagamit ng mga sindikato.
Ang Dagupan City kasama ang Urdaneta City ang isa sa mga pangunahing siyudad sa Region 1 na pinanggagalingan ng shabu at ibinebenta ito sa mga kalapit lugar.