TODAS ang isa habang dalawa katao ang nasugatan at dalawa pa ang pinaghahanap ng awtoridad makaraang tupukin ng apoy ang tatlong bahay sa Daang Hari, Navotas kaninang madaling araw.
Nabatid na bandang alas-3:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil pawing mga gawa sa light materials ang mga bahay.
Dakong alas-4:30 ng madaling araw na nang ideklarang fire under control ang sunog.
Hindi bababa sa P1 milyon ang halaga ng pinsala ng apoy.