Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Nene ginahasa ng parak sa parking lot ng Parañaque Police Station

$
0
0

NALALAGAY sa balag ng alanganin ang isang opisyal ng Parañaque police makaraang akusahan ng panggagahasa sa 15-anyos na dalagita sa mismong parking lot ng Parañaque Police Station.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nangyari ang pangmomolestiya ni Chief Insp. Mujalni Dugasan, commander ng Police Community Precinct (PCP) 3 ng Parañaque police sa loob ng kanyang Toyota Innova (ZCB-451) habang nakaparada sa parking lot ng Parañaque Police Station sa Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Dionisio, alas-8 ng gabi kahapon.

Nauna rito, nabatid na nakatayo si Dugasan sa harapan ng PCP-3 sa Barangay La Huerta nang tawagin ang dalagita at ipinabasa ang mensaheng ipinapadala sa kanya ng isang babae na hindi naman niya kakilala.

Nagtagal umano ang pakikipag-usap ng opisyal sa dalagita hanggang yayain ng nauna ang huli na sumakay sa kanyang sasakyan kung saan ay inalok pa nito na ihahatid siya sa kanilang tirahan.

Pero sa halip na ihatid sa kanilang tirahan, sa parking lot ng Parañaque police station dinala ng opisyal ang dalagita at doon puwersahang hinalay.

Matapos magreklamo ang dalagita, pinuntahan ng mga pulis sa PCP-3 si Dugasan subalit bago umano madala sa headquarters ang opisyal ay nagawa nitong makasakay sa kanyang sasakyan at mabilis na nakatakas.

Sa ipinadala namang ulat ng SPD, hindi binanggit ang pangalan ni Dugasan bagama’t tiniyak ni SPD Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na hindi nila kukunsintihin ang mga pulis na nakakagawa ng kamalian.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>