Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Malakas na pag-ulan sa VisMin ibinabala

$
0
0

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hinggil sa katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Visayas at Mindanao na maaaring magdulot ng flashfloods at landslides.

Ang babala ay kaugnay sa namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) na huling namataan sa bahagi ng Sta. Josefa, Agusan del Sur.

Maaari naman makaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pagbuhos ng ulan ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at ang Bicol Region.

Magiging maulap din ang kalangitan sa Cagayan Valley at Aurora na may kasamang mahinang pag-ulan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>