TINANGKANG wakasan ng isang lalaki ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagpapasaga sa tren sa Taguig City.
Sa report sa radyo kaninang umaga, kinilala ang biktima na si Anjo Barriento na masuwerteng nagtamo lamang ng mga galos sa mukha at mga braso.
Malapit sa istasyon ng tren naganap ang tangkang pagpapakamatay ng biktima kaya naman wala pa sa full speed ang papaalis na tren.
Sa report, sinabi na ayon sa kaanak ng biktima ay ilang araw na itong naglalasing buhat ng kalasan ng nobya noong Pebrero 22.
Tutulungan naman ng PNR ang biktima sa kanyang pagpapagamot kahit pa anila ay wala silang kasalanan dahil ang biktima naman ang nagtangkang magpakamatay.