MAY kumakalat na balita na 69 sa Malaysian forces ang casualty sa standoff sa Sabah, Malaysia.
Ang nasabing balita ay nagmula umano sa mga tawag sa telepono ng mga kamag-anak ng pamilya Kiram na apektado sa gulo sa Sabah.
Kanina ay nauna nang ibinalitang namatay sa gulo ang dalawang militar ng Malaysia, habang 10 naman sa Sulu gunmen.
Kaninang alas-10 ng umaga nang sumiklab ang gulo sa nasabing lugar.