UMABOT sa P200,000 halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang isang lodging house sa Brgy. Lapasan, Cagayan De Oro City.
Pinaniniwalaang nagsimula ang apoy sa ibabang bahagi ng gusali kung saan may tindahan at bilyaran na umabot hanggang sa ikalawang palapag.
Aminado naman ang isang tauhan ng tindahan na ang pinakukuluang tubig na naiwan ng higit isang oras ang sanhi ng sunog na umabot sa 30 minuto bago naapula.