PATAY ang isang binatang matagal nang may sakit na depresyon nang magbaril sa sentido sa loob ng banyo sa Valenzuela City Huwebes ng hapon, Pebrero 28.
Namatay habang ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa kaliwang sentido si Allen Dave Aquino, 27 ng M. Delos Reyes St., General T. De Leon ng lungsod.
Sa ulat, alas-4:45 ng hapon, makikibanyo ang isang kaanak ng biktima sa nasabing lugar subalit nakakandado sa loob.
Nalaman na ang biktima ang naunang pumasok sa banyo na naging dahilan upang katukin at tawagin.
Nang walang sumasagot ay sapilitan binuksan ang banyo hanggang sa tumambad ang duguang katawan ng biktima na naging dahilan upang dalhin sa VGH.
Lumalabas na ang baril na ginamit ng biktima ay pag-aari ng isang tiyuhin na may kaukulang papeles.
Nabatid din sa mga kaanak ng biktima na high school pa lang si Aquino ay may sakit nang depresyon.