Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Indian national dinukot ng 7

$
0
0

DINUKOT ang isang Indian national ng pitong hindi pa kilalang mga lalaki kung saan apat sa mga suspek ang naka-t-shirt na may tatak NBI habang ang biktima ay sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City, Linggo ng umaga, Marso 3.

Nakilala lang ang biktima sa alyas na Sodhi dahil ayaw makipag-ugnayan sa mga pulis ang pamilya ng una.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, sakay ng motorsiklo ang biktima nang harangin ng mga suspek sa Cayetano st6., Arty Subd. 2, Karuhatan ng lungsod.

Kinaladkad papasok sa berdeng kotse na hindi na nakuha ang plaka bago mabilis na tumakas ang mga suspek kung saan isa sa mga ito ang sumakay sa motorsiklo ng biktima bago iniwan sa Bonifacio st., Arty subd., ng lungsod.

Inaalam na ng mga pulis kung mga taga-NBI nga ang kumuha sa biktima. Nang hindi makipag-ugnayan ang pamilya ng biktima dahil na rin sa bilin umano ng mga suspek ay nagpasyang ilipat ng Valenzuela City Police ang kaso sa Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129