Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

PCG sa publiko: ‘Wag mangamba sa nasiraang Chinese vessel sa Sulu

$
0
0

WALANG dapat ipangamba ang publiko sa nasiraang Chinese vessel sa Sulu Sea.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mabilis na nakaresponde ang BRP Pampanga at nailigtas ang mga tripulante ng MV Tan An Ha.

Sinabi rin ng PCG na intact ang cargo vessel at makina lamang ang nasira kaya naman walang indikasyon na magkakaroon ng oil spill.

Kahapon, nakaranas ng engine trouble ang Chinese cargo vessel na mula sa Singapore sa Sulu Sea. Papunta sana sa Tagbilaran Port sa Bohol ang barko para ibagsak ang kargang 5,900 tonelada ng limestone nang masiraan.

Magugunitang malaki ang napinsala sa Tubbataha Reef sa pagsadsad ng USS Guardian na ngayon ay hindi pa rin tuluyang naiaalis.

Kaugnay sa salvage operations sa sumadsad na USS Guardian, muli itong naantala ngayon dahil sa masamang panahon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>