Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ex- CAFGU, pinarusahan ng NPA

$
0
0

PINARUSAHAN ng kamatayan ng mga pulang mandirigma ng Edmundo Jacob Command ng BHB-Rinconada (New People’s Army) si Ernesto Navarro Babor sa Bgy. Iyagan, Baao, Camarines Sur nooong Marso 3, 2013 bandang alas 8:30 ng umaga.

Sa pahayag ni Rojo Armanda, tagapagsalita ng  EJC-BHB, pinarusahan ng kamatayan si Babor dahil sa kanyang mga krimen sa mamamayan at paglabag sa mga karapatang pantao.

Si Babor ay dating kasapi ng CAFGU at aktibong kasapi ng Barangay Intelligence Network (BIN) ng militar at pulisya.  Ayon sa grupo, target-militar ng taktikal na opensiba ng BHB si Babor dahil sa kanyang mgaksalanan.

Sa pahayag ng grupo, ilan sa mga krimen ng biktima ay ang mga sumusunod:

1. Pagdukot, pagpapahirap at brutal na pagpaslang sa dalawang menor-de-edad na kabataan na pinaghinalaang kasapi ng BHB noong 2007 sa Bgy. Tapol, Baao, Camarines Sur. Galing noon sa pamamasyal sina Edwin Tadeo Deloces at Gilbert Ramos nang masalubong ang tropa ng militar na nagsasagawa ng operasyong SOT (Special Operations Team). Pinahirapan ang dalawang kabataan bago pinatay at pinugutan pa ng ulo ang isa.

2. Pagpaslang kay Jesus Bustinera noong taong 2006 sa Bgy. Caranday, Baao, Camarines Sur. Si Bustinera ay kasapi ng Anakpawis Partylist.

3. Pananakot, panghaharas at pagbabanta sa buhay ng mga sibilyan habang kalahok at giya sa operasyong SOT ng 42nd Infantry Battalion sa mga barangay ng Del Pilar, Iyagan, Caranday, Viga, Tapol at iba pang barangay sa bayan ng Baao at sa katabing mga barangay ng Iriga City sa panahon ng malupit na Oplan Bantay Laya ng nakaraang rehimen ni Macapagal-Arroyo.

4. Pagnanakaw ng kalabaw ng mga magsasaka.

5. Pasimuno ng pagsasampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga magsasaka upang kikilan sila ng malaking halaga kapalit ng pag-areglo ng kaso.

Ang pagparusa kay Babor ay nagsisilbing babala sa mga abusadong kasapi ng AFP, PNP at CAFGU at masasamang loob sa lugar na tumigil na sa kanilang kontra-mamamayang aktibidad, sabi sa pahayag.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129