MANILA - Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang gitnang Taiwan, Huwebes, bago magtanghali.
Batay sa report sa radyo, ayon sa US Geological Survey, naitala ang lindol sa 36 kilometres (22 miles) northwest ng Hualien City na nasa east coast.
May lalim na 9 kilometers ang lindol.
Wala pang napaulat na damage sa naturang pagyanig.