SINIGURO ng Makati-Philippine National Police na kontrolado nila ang sitwasyon sa Malaysian Embassy sa Makati City.
Sa kabila ito ng mga bantang kilos protesta kaugnay sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Royal Sultanate of Sulu Army at Malaysian authorities sa Sabah, Malaysia.
Ayon kay Police Chief Senior Superintendent Manuel Lukban Jr., naka-deploy na sa lugar ang mga miyembro ng kapulisan upang bigyang seguridad ang embahada laban sa militanteng grupo.
Malinaw din ang direktibang maximum tolerance para sa mga magkikilos protesta sa lugar.