DINUKOT ang isang 5 anyos na batang babae ng isang di nakilalang lalaki sa harap ng Barangay hall sa Sampaloc, Maynila kagabi.
Personal na dumulong ngayon sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) si Vanessa Lameranes, 30, ng 624 Blumentritt Ext. Sampaloc, Maynila,.
Sa reklamo ni Lameranes, kay SPO1 James Poso ng MPD-GAS, kasama umano niya ang anak na si Joanna na dumalo sa selebrasyon ng Aerobics party na inisponsoran ng kanilang Barangay 536 zone 53.
Naging abala umano ito sa okasyon nang mapansin na nawawala na ang kanyang anak dahilan para humingi siya ng tulong sa mga opisyal ng barangay.
Sa CCTV footages na nakalagay sa barangay nakita na isang lalaki ang kausap ng kanyang anak at inalok itong uminom ng “juice”bago ito madiskubreng nawawala.
Ang bata ay nakasuot ng kulay violet sleeveless na blouse,pink na leggings at sinelas na kulay berde.