BUHAY si Haji Musa Abdullah o General Musa.
Ito ang ipinahayag ni Engr. Abraham Idjirani kaninang umaga.
Si General Musa ay kilalang MNLF war fighter na tumulong sa Sultanate of Sulu, naiulat ng Malaysian government newspaper na napatay sa airstrike ng Malaysian military forces.
Ayon kay Engr. Abraham Idjirani, tagapagsalita ng Sultan ng Sulu, kinumpirma mismo sa kanya ni Crown Prince Raja Muda na buhay ang MNLF warrior.
Masaya ring ibinalita ni Idjirani ang maayos na kalagayan ngayon ng mga sundalo ng Sultanate of Sulu.
Batay sa kanilang pag-uusap ng kanyang pagsasalita, tila tapos na ang bakbakan ngayon sa Sabah, Malaysia.