HINIHINALANG biktima ng hit and run ang isang lalaki na natagpuang patay sa gitna ng Roxas Boulevard sa harap ng Grand Boulevard sa Malate, Maynila kaninang madaling araw.
Ito ay dahil nakitaan ang biktima ng mga galos sa noo, kanang kamay at kaliwang tuhod.
Inilarawan ang biktima na may taas na hanggang 5’2, nagkakaedad ng hanggang 50, nakasuot ng red yellow na t-shirt, asul na short pants at nakapaa.
Sa report ni SPO3 Glenzor A. Vallejo, ng MPD homicide, alas-4:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang wala ng buhay na katawan ng naturang lalaki.
Nabatid rin na pagala-gala sa nasabing lugar ang biktima.