SINUSUYOD ngayon ng pulisya ang ilang mga lugar sa Tawi-Tawi matapos ianunsyo ng Malaysia na inabandona na ng kapatid na lalaki ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III kanyang mga tauhan.
Sinabi ni Tawi-Tawi police chief Senior Supt. Joey Salido na ang nabanggit na probinsya ay nakapalaki na mayroon pang maliliit na isla.
Kanina lamang ng umaga (Marso 16), inamin ng Tawi-Tawi police na wala silang nakikitang bakas ni Raja Muda Azzimudie Kiram.
Kahit na ang misis ni Azzimudie na si Nurkisa ay wala ring naririnig ng kahit anumang ulat na ang kanyang mister ay nakabalik na, dadag pa ng ulat.
Ayon sa ulat kanina lang din ng Malaysia’s The Star online, nabanggit ni Armed Forces Chief Tan Sri Zulkifeli Mohd Zin na si saying Azimuddie Kiram ay tumkas patungong Sabah at papunta ito sa Mindanao.
Sa isang artikulo sa Star Online na si Azzimudie ay maaring na ito ay nasa Tawi-Tawi.
Sinasabi na ibinase ni Zulkifeli ang kanyang pahayag sa konklusyon ng Malaysian security forces matapos magsalin-salin ng iba’t ibang impormasyon.
Pinagtibay din ito ni Police Inspector-General Tan Sri Ismail Omar at sinabing iyon din ang feedback sa kanya ng security forces’ ground commanders na si Azimuddin ay hindi na kasama ng kanyang mga alipores.
Nagkasa ang Malaysian security forces ng kanilang opensiba laban kay Kiram at sa mga tauhan nito simula pa noong Marso March 5, kasunod ng madugong sagupaan na nagsimula pa noong Marso 1.