NALUNOD ang isang high school student habang naliligo sa isang swmming pool ngayong umaga (Sabado) sa San Miguel, Maynila .
Nakilala ang biktima na si Timothy John Borlain, second year sa Victorino Mapa High School at residente ng 314 Barasoain, Little Baguio St., San Juan City.
Ayon kay PO1 Anthony C. Boncan ng MPD homicide, naganap ang insidente dakong alas -10:15 ng umaga matapos magtungo ang biktima kasama ang ilang kaklase sa Student Club House Swimming Pool sa 1221 Abreu St., kanto ng Arlegui at San Miguel Sts.
Habang naliligo pool ay napansin ng mga kaklase na nalulunod na ang biktima kaya naman humingi sila ng saklolo sa lifeguard na si Jomary Buan, 18 ng Sanciangco St., Malabon.
Naiahon naman mula sa tubig ang biktima at binigyan ng first aid sa pamamagitan ng cardiac pulmonary resuscitation o CPR ngunit hindi naibalik ang ulirat ng biktima.
Dinala ang biktima sa Mary Child Hospital subalit pagdating sa pagamutan ay dineklarang dead on arrival ni Dr. Marilou Lavilla.