Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Balikbayan box na may lamang bangkay, natagpuan sa ilalim ng tulay

$
0
0

ISANG balikbayan box na may lamang bangkay ng tao ang itinapon at natagpuan sa ilalim ng McArthur’s Bridge, sa Ermita, Maynila kaninang madaling araw.

Kinilala ni PO3 Rodel Benitez ng MPD homicide ang biktima na si Angelito Bello, 31, miyembro ng Batang City Jail.

Sa report ni Benitez, pasado ala 1:00 ng madaling araw nang matagpuan ng testigong si Zenaida Benjamin, vendor sa lugar, ang itinapong kahon na balut na balot ng packing tape.

Sa pag-aakalang Balikbayan Box na may lamang kayamanan na nahulog sa nagdaang sasakyan, binutas ng testigo ang kahon saka sinilip.

Gayunman, nang makita ang laman ng kahon ay laking gulat nito na may paa ng tao sa loob.

Ayon naman sa pahayag ng asawa ng biktima na si Jocelyn Rabagat, inamin nito na nakulong ang kanyang mister, ngunit aniya ay matagal na umanong nagbago ang mister.

Nabatid na itinapon ng hindi nakilalang dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo ang balikbayan box.

Lumalabas naman sa pagsusuri ng SOCO na nagtamo ng apat na tama ng bala sa dibdib ang biktima mula sa di mabatid na kalibre ng baril na hinihinalang biktima ng summary execution.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


Girasoles para colorear


Pokemon para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 7 Lies of Boys


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>