Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagitong pulis, kulong sa panunutok ng baril

$
0
0

PANUNUTOK ng baril ang ginawang pagpapakilala ng isang bagitong pulis sa isang kahera sa Caloocan City Sabado ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa Omnibus Election Code si PO1 Reynaldo Fortalisa, 30, nakatalaga sa Manila Police District at residente ng P. Zamora st., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Maricar Mallari, 29, ng Doña Consuelo st., kahera sa Off Track Betting Station dakong alas-12:10 ng madaling araw, naglalakad siya papauwi sa lugar nang madaanan si Fortalisa na lasing na nakaupo sa motorsiklo.

Tinanong ng suspek ang biktima kung kilala siya na sinagot naman ng hindi ni Mallari.

Napikon ang suspek sabay bunot ng kalibre .45 at tinutok sa kahera sabay sabing “O ngayon, Gusto mo pa ako makilala” na naging dahilan upang awatin ng hindi pa kilalang lalaki.

Nang makaalis ang biktima ay nagsumbong sa mga pulis at nang respondehan ay inabutan ang suspek na nakasukbit ang kalibre .45 na naging dahilan upang arestuhin at dalhin sa presinto.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>