Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

1 sugatan, P20-M naabo sa sunog sa Navotas

$
0
0

SUGATAN ang isang negosyante  matapos itong tumulong sa pag-apula sa nasusunog na 15 kabahayan na tinatayang humigit kumulang sa P20 million mga ari-arian ang naabo kaninang  madaling araw sa Navotas City (March 16)

Inoobserbahan sa Tondo Medical center si Roger Alvaroque, nasa hustong gulang, may-ari ng ng Samareno Food House, na matatagpuan sa Celes St., Barangay San Jose ng naturang siyudad sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Navotas City Fire Department, nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-2:00 ng madaling araw sa isang bahay na matatagpuan  sa naturang lugar.

Pinaniniwalalang ang pinagmulan ng nasabing sunog na nagmula sa altar ng nasabing bahay na umabot sa kawad ng kuryente dahilan upang madamay ang 14 kabahayan.

Ang biktimang si Alvaroque ay tumulong sa pag-apula ng apoy.

Tinatayang aabot as humigit kumulang sa P20 million ang halaga ng mga ari-ariang naabo kabilang dito ang maraming alahas.  Napag-alaman, na  ang 15 kabahayan na nilamon ng apoy ay pawang magaganda at bagong gawa, kung saan ang mga nakatira dito ay may mga kaya a buhay.

Ayon pa sa report, nahirapan ang mga bumbero na maipasok ang hose at maapula ang apoy dahil sa makipot na daanan.

Dakong alas-4:05 ng umagang idineklarang under control ang naturang insidente. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>